Mga electric cooperatives na nasira ng malakas na lindol sa Mindanao, tutulungan ng NEA

26

Bibigyan ng ayuda ng National Electrification Administration (NEA) ang mga Electric Cooperatives sa North Cotabato at Davao del Sur na sinira ng malakas na lindol noong nakalipas na buwan.

Layon nito para ganap nang makabangon sa pagkasira ang mga kooperatiba at manumbalik ang normal na operasyon.


Nakipagpulong na si NEA Administrator Edgardo Masongsong sa mga opisyal ng   Cotabato Electric Cooperative, Inc. (COTELCO) at Davao del Sur Electric Cooperative, Inc. (DASURECO) at pinag usapan ang epekto ng lindol  sa mga power distribution facilities nito.

Matapos ang magkakasunod na lindol sa North Cotabato at Davao del Sur na may mga pasilidad ang electrict cioperatives sa overage areas ang grabeng tinatamaan ng pagyanig.

Facebook Comments

From Advertisers