Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Jolina, pumalo na sa mahigit 628 milyong piso, ayon sa NDRRMC

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Jolina sa bansa, nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mahigit 628 milyong piso halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nasa anim na rehiyon ang lubos na naapektuhan ng Bagyong Jolina, ito ang Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6 at 8.

Aniya, ang Region 5 ang may pinakamalaking naitalang pinsala sa agrikultura na aabot sa higit 110 milyong piso ang coast of damage kabilang ang mga palaisdaan na siyang lubhang naapektuhan.


Nakapagtala naman ng mahigit 57 milyong pisong pinsala sa infrastructure sector mula sa apat na rehiyon, ito ang CALABARZON, MIMAROPA at Region 5 at 6.

Dagdag pa ni Timbal, umabot na sa 8,925 kabahayan ang nasira mula sa limang rehiyon kung saan 8,492 ang partially damage habang 432 ang totally damaged.

Samantala, ipinamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa mahigit 1.3 milyong pisong halaga ng ayuda tulad ng family food packs, bigas at iba pa sa Region 3 at 5, MIMAROPA at CALABARZON.

Sa ngayon, nasa 81,048 pamilya o nasa 313,373 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Jolina at kasalukuyang nananatili pa rin sa ibat-ibang mga evacuations centers.

Facebook Comments