Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Jolina, umabot sa P221-M

Daan-daang milyong piso ang naging pinsala ng Bagyong Jolina matapos manalasa sa mga pananim at palaisdaan.

Partikular na apektado ang 9508 na magsasaka at mangingisda sa CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas at Eastern Visayas.

Base sa pinakahuling tala ng Department of Agriculture (DA), aabot sa P221.7 milyon ang pinsala sa agrikultura.


Kahapon, sinabi ng DA na 179.5 milyong piso na agriculture product ang napinsala sa Eastern Visayas pero pagkatapos ng validation, bumaba ang pinsala sa 38.1 milyon kung saan 792 magsasaka ang apektado.

Samantala, dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Kiko, inabisuhan ng DA ang mga magsasaka at mangingisda sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyo na anihin na ang kanilang matured agriculture product at ilipat sa ligtas na lugar ang mga alagang hayop.

Facebook Comments