Umabot na sa ₱1.7 billion ang halaga ng pinsalang iniwan ni Bagyong Quinta sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Undersecretary Ariel Cayanan, katumbas ito ng 4103,520 metric tons ng pananim na palay, mais at high value crops na sinira ng mga pagbaha dala ng bagyo.
Nasa 30,438 na magsasaka na mayroong 73,098 hectares ng lupang sakahan ang apektado ng naturang mga bagyo.
Naglaan na ang DA ng ₱795 million na ayuda mula sa Quick Reaction Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Maliban sa pautang sa ilalim ng SURE-Aid program ng Agricultural Credit Policy Council.
Kasama na rin dito ang agarang pagbayad sa insurance claims sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation.
Nakahanda na rin para ipamahagi ang 26,223 bags ng binhi ng palay, 6,785 bags ng binhi ng mais, at 1,792 kilo grams ng mga gulay.