Pumalo na sa mahigit ₱104 milyon ang napinsala ng Bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura.
Sa inisyal na datos ng Department of Agriculture (DA), naitala ang pinsala sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 3 at Region 4-A kung saan apektado ang 2,839 magsasaka at 17,845 hektarya ng lupa.
Nasa 7,999 metriko tonelada naman ang mga nasirang pananim ng palay, mais at high value crops.
Naunang sinabi ng DA na nailigtas ang 69,716 hektarya ng palay mula sa CAR, Region 2, 3 at 4-A na katumbas ang 341,812 metric tons at nagkakahalaga ng ₱5.48 bilyon dahil sa maagang impormasyon tungkol sa bagyo.
Facebook Comments