Pumalo pa sa mahigit ₱5 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa ilang rehiyon sa bansa na matinding hinagupit ng Bagyong Paeng.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pinakamalaking nagtamo ng pinsala sa imprastraktura ang CALABARZON na umabot sa higit ₱1.3 billion.
Sinundan ng MIMAROPA na napinsala ng higit ₱997-M, Region 5 higit ₱793-M, CAR higit ₱736-M, Region 2 higit ₱512-M, Region 10 ₱277-M, BARMM ₱151-M, Region 10 na napinsala ng nasa ₱110-M, Region 1 higit ₱63-M, Region 3 higit ₱54-M at Region 6 na nagtamo ng pinsala sa imprastraktura ng higit ₱661k.
Samantala umakyat din ang pinsalang iniwan ng bagyo sa sektor ng agrikultura na ngayon ay higit ₱6.1-B na.
Facebook Comments