Pinsala sa Imprastraktura sa District 1 ng Cagayan, Pumalo sa Mahigit 200 Million Piso

*Cauayan City, Isabela- *Umabot sa mahigit sa dalawandaang milyong piso ang inisyal na pinsala sa sektor ng imprastraktura sa District 1 ng Probinsya ng Cagayan na kinabibilangan ng Alcala, Appari, Baggao, Buguey, Camalaniugan,Gattaran,Gonzaga,Lallo at Santa Ana.

Ayon kay Information Officer Wilson Valdez ng DPWH Region 2, matinding pinsala ang nangyari sa mga nabanggit na lugar dahil sa pagkasira ng mga pangunahing lansangan gaya ng pagkakabitak-bitak pero posible pa umanong madagdagan ang pinsala dito sakaling matapos ang isinasagawang damage assessment ng ahensya dahil sa nangyaring magkakasunod na pag uulan na dahilan ng malawakang pagbaha na dahilan ng pagkasira.

Kaugnay nito, sarado pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang ilang daan sa Bayan ng Santa Praxedes dahil sa kinukumpuning box culvert habang ang daan sa kahabaan ng Union sa Bayan ng Claveria ay maaari ng madaaanan ng mga maliliit na sasakyan.


Samantala, isinara ang kalahating linya ng daan sa Lablabig, Claveria dahil sa pagguho ng Lupa sa lugar matapos makaranas ng malawakang pag uulan habang isinara pa rin hanggang ngayon ang tulay sa Sanchez Mira malapit sa pantalan at inaabisuhan ang publiko na gamitin ang Bypass Road sa lugar.

Tiniyak naman ng DPWH na matatapos sa agad ang clearing operations sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments