Umabot na sa mahigit P59-milyon ang halaga ng pinsala sa mga kabahayan sa lalawigan ng Abra kasunod ng nangyaring paglindol kahapon.
Batay sa report ng PDRRMC, umabot sa 5,807 ang kabahayang partially damaged habang 54 ang totally damaged.
Kaugnay nito, umakyat na sa 141 ang naitalang sugatan habang lima ang patuloy pa rin na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos ang pagyanig.
Samantala, naitala naman ang pinsala sa crops na umabot sa P13,000; 65,000 sa fisheries at 25,000 sa Livestock.
Sa commercial building, mahigit 10-milyon ang inisyal na halaga ng pinsala habang mahigit sa 134 milyon ang halaga ng pinsala sa mga gusaling tanggapan ng gobyerno maliban pa sa mga eskwelahan.
Sa kabuuan, mahigit 197 milyon ang pinsala sa buong lalawigan ayon sa report ng PDRRMC.
Facebook Comments