Umabot na sa mahigit 12 million pesos ang pinsala ng patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Rodrigo Bautista, Batangas provincial agriculturist ng Department of Agriculture (DA), papalo na sa P6.5 million ang pinsala sa mga taniman dahil sa volcanic smog ng Taal habang P5.7 million naman sa mga palaisdaan sa Batangas.
Aniya, kabilang sa mga nasira ay mga tanim na palay sa Laurel at Lian, mais sa Tanauan, at cassava sa San Nicolas.
May mga naitala rin aniyang fish kill o namatay na bangus at tilapia sa Agoncillo at Laurel dahil sa low dissolved oxygen.
Facebook Comments