Pinsala sa seaports ng Bagyong Kristine, umabot na sa ₱110 million —DOTr

Kinumpirma ng Transportation Department na umabot sa ₱110 million ang pinsala ng Bagyong Kristine sa seaports.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, sa Batangas pa lamang ay mahigit 100 seaports na ang naapektuhan ng Bagyong Kristine, bagama’t ang iba ay minor damages lamang.

Kinumpirma rin ni Bautista na partikular na maraming naapektuhan na mga pasahero ay sa seaport ng Matnog, Sorsogon.


Hanggang sa ngayon aniya ay mahaba pa rin ang pila ng mga sasakay sa mga RoRo sa Matnog.

Sinabi ni Bautista na posibleng abutin pa ng weekend bago maibalik sa normal ang operasyon ng seaport sa Sorsogon.

Kaugnay nito, nanawagan ang kalihim sa bus operators na i-monitor muna ang sitwasyon bago payagan ang kanilang mga bus na bumiyahe patungong Sorsogon.

Maaari rin aniyang dumaan muna sa Batangas Port ang mga bus na bibiyahe patungo ng Visayas para hindi sila makadagdag sa mahabang pila ng mga sasakyan sa seaport sa Sorsogon.

Facebook Comments