Umabot na sa ₱1.748 billion ang iniwang pinsala ng Bagyong Rolly sa sektor ng agrikultura.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa ₱1.190 billion ang nalugi sa produksyon ng bigas, halos ₱494 million sa high-value crops, ₱52.323 million sa mais at ₱269.5 million para sa livestock.
Aabot sa ₱10.575 million ang halaga ng napinsala sa irrigation at agricultural facilities.
Nasa 26,948 na magsasaka ang apektado.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nagpapaabot na sila ng tulong sa mga apektadong sektor, kabilang ang paglalabas ng palay at corn seeds sa mga apektadong rehiyon.
Maglalabas din sila ng tulong para sa mga apektadong livestock at poultry owners, maging fishing gear at iba pang kagamitan para sa mga apektadong mangingisda.
Facebook Comments