Umakyat na sa P9.6 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño.
Ayon kay Assistant Secretary at DA Spokesperson Arnel de Mesa, nasa 100 thousand metric tons ang production loss sa palay ng matinding tagtuyot.
Gayunman, maliit lang ito sa projected loss ng ahensya.
Nakatulong aniya ang mga maagang paghahanda ng ahensya para maibsan ang epekto nito sa pananim na palay.
Malaki aniya ang naitulong ng mga ipinatupad na water management intervention at ang mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim, gayundin ang mga magandang klase ng binhi.
Naghahanda na rin aniya ang DA para naman sa pinsalang dala ng papasok na La Niña.
Kabilang aniya sa paghahanda ay ang pagsasaayos ng mga major water canal patungo sa mga sakahan ng mga magsasaka.