Pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño, umakyat na sa mahigit limang bilyong piso

Nadagdagan pa ang volume ng  mga pananim na hindi mapapakinabangan dulot ng  nararanasang  El Niño.

 

Batay sa datos ng Department of Agriculture’s Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, mula sa naitalang  P4.35 billion na pinsala noong March 31, umakyat na ito sa P5.05 billion noong April 2.

 

Abot sa  276,568 metric tons ang volume ng nawalang produksyon sa sektor ng agrikultura na sumasakop sa may  177,743 na ektarya.


 

Nadagdagan na rin ang bilang ng mga magsasaka na apektado mula sa dating  138,859 ay pumalo na ito sa  164,672.

 

Nanatili naman sa  P2.69 billion ang napinsalang palayan  na  naitala noong Marso 31.

 

Pero, tumaas ang nasirang pananim na mais mula .

Ito ay mula sa dating P1.66 billion o katumbas na  107,416 MT na pumalo na  P2.36 billion o 150,978 MT.

 

Labimpitong probinsya ang apektado kung saan ang Cagayan Valley ang may pinakamataas na naitalang nasirang produksyon.

 

Dahil sa lumalaking pagkalugi sa sektor ng agrikultura, kumilos na ang administrasyong Duterte para magsagawa ng mga kaukulang hakbang upang matugunan ang epekto ng   El Niño at ang nararanasang kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Facebook Comments