iFM Laoag – Umaabot na ng higit 350 milliong piso ang naging pinsala sa lalawigan ng Ilocos Norte buhat parin ng Bagyong Ineng sa lalawigan.
Sa infrastraktura, umabot ng 316,500,000.00 pesos na ang napinsala. Kasama na dito ang mga farm to market roads, tulay at mga paaralan.
Aabot naman sa 29,539,704.95 pesos ang kabuohan ng pinsala sa agrikultura. Kabilang narin dito ang mga halamang palay, mais, mga alagang hayop at iba pang livestocks.
Sa panayam ng media sa isinagawang press briefing ni Governor Matthew Marcos Manotoc, ipinahayag nya ang pasasalamat nito sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kabilang narin ang mga NGOs na tumulong sa kalagitnaan ng bagyo.
Dalawa lang ang naitalang patay sa nasabing hagupit ng bagyo at makakakuha ito ng suporta mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno; tatlong libong piso mula sa kanikanilang munisipyo, sampung libo naman mula sa Office of the Civil Defense at karagdagang tulong mula sa capitolyo ng lalawigan.
40% narin ang nai-restore sa serbisyo ng kuryente at tubig sa buong lalawigan simula kaninang umaga na problema parin ngayon ng mga mamayan dito.
Bagamat bagohan, inamin nito na sa kabila ng kahandaan ng probinsya sa anomang sakuna, hindi parin maiwasan ang mga pangyayaring ito at mas bigbigyan pa ito ng sapat na pansin upang maiwasan pa ang sakuna dulot ng lupit ng kalikasan.
Bernard Ver, RMN News