PINSALANG DULOT NG BAGYONG PAENG, UMAABOT SA P40-M

Pumalo sa P39,247,128 ang inisyal na halaga ng pinsala sa ari-arian na iniwan ng bagyong Paeng sa buong lalawigan ng Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, agrikultura ang may pinakamalaking halaga ng pinsala na umabot sa P38,984,008 batay sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Nasa kabuuang 1,080 magsasaka ang apektado matapos bahain ang kanilang mga taniman dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng bagyo.

Tinatayang P14,155,727 ang halaga ng nasirang pananim na mais habang nasa P12,564,470 ang halaga ng mga nasirang palay mula sa iba’t ibang bayan.

Nakapagtala rin ng P263,120 halaga ng pinsala sa livestock mula sa tatlong bayan na kinabibilangan ng Lal-lo, Amulung at Tuguegarao City.

Facebook Comments