Pinsalang iniwan ng bagyong Nika at Ofel, pumalo na sa P8.12-M

Umabot na sa P8.12 million ang halaga ng pinsalang iniwan nina bagyong Nika at Ofel sa sektor ng agrikultura sa Regions 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, at Region 8.

Ayon sa Department of Agriculture, katumbas ito ng 409 metric tons ng pananim na palay, mais at high value crops na sinira ng mga pagbaha dala ng bagyo.

Nasa 530 na magsasaka na mayroong 535 hectares ng lupang sakahan ang apektado ng naturang mga bagyo.


Ayon sa DA, nakahanda na ang Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Nakahanda na rin para ipamahagi ang 55,555 bags ng binhi ng palay, 8,051 bags ng binhi ng mais, at 1,169 kilo grams ng mga gulay.

Facebook Comments