Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 354,338

38

Pumalo na sa 354,338 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 2,673 na bagong kaso.

Pinakamarami sa bagong kaso ay nagmula sa Rizal na may 185, sinundan ng Cavite na may 175 na bagong kaso, Batangas na may 159, Quezon City na may 143 at Bulacan na may 88.

Nasa 52,423 ang active cases, kung saan 84.7 percent dito ang mild, 11.0 percent ang asymptomatic, 1.5 percent ang severe at 2.9 percent ang critical.

73 naman ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 6,603.

Samantala, nadagdagan ng 539 ang mga gumaling sa sakit na sumampa na sa 295,312.

Facebook Comments