Pinsalang iniwan ng Bagyong Ofel sa agrikultura, umabot sa 9 million

Umabot sa ₱9.1 million ang iniwang pinsala ng Bagyong Ofel sa sektor ng agrikultura.

Ito ay ayon sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5 mula sa mga datos ng Department of Agriculture Regional Office Bicol Region.

Base sa mga datos, aabot sa ₱9,120,315 ang initial estimate mula sa Masbate at Sorsogon.


Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (PDRRMOs) ay nagsabing anim na pamilya o 29 na indibiduwal ang inilikas.

Nagkaroon din ng pagbaha sa ilang bahagi ng rehiyon dahil sa patuloy na pag-ulat.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 5 ay nakapagtala ng pagguho ng lupa sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate.

Agad na magsasagawa ng clearing operations kapag bumuti na ang panahon.

Iniulat naman ng Coast Guard District Bicol na ang lahat ng pantalan sa rehiyon ay nagbalik operasyon na pero nakapagtala sila ng 300 kataong stranded sa Bicol Seaports dahil sa bagyo.

Facebook Comments