Pinsalang iniwan ng Bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura, higit 3.84 milyong piso na

Umakyat na sa 3.84 bilyong piso ang pinsalang iniwan ng Bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura ayon sa Department of Agriculture.

Base sa typhoon bulletin na inilabas ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, kasama sa naapektuhan ang 104,733 magsasaka at mangingisda.

Habang aabot naman sa 101,904 sakahan ang nasira na may production loss na aabot sa 160,873 metric tons.


Kabilang sa mga produktong nasira ay ang; bigas, high-value crops, fisheries, livestock, irrigation facilities at imprastrakturang pang-agrikultura.

Naitala ito sa mga lugar ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.

Facebook Comments