Umabot na sa mahigit 300 pamilya ang naapektuhan ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate.
Sa ulat ng Office of Civil Defense-5 kagabi, nasa 341 pamilya o 1,659 indibidwal na mula sa 31 barangay sa mga bayan ng Cataingan, Cawayan, Esperanza, Pio Corpuz at Palanas ang naapektuhan ng lindol.
Hindi naman nadagdagan ang bilang ng nasawi at nasagutan.
Nasa 295 na kabahayan naman sa Masbate ang nasira habang dalawang government structures at isang private establishment ang napinsala sa Bulan, Sorsogon.
Aabot na sa P29,460,000 ang halaga ng pinsalang idinulot ng lindol sa Masbate habang P500,000 sa Camarines Sur.
Patuloy pa ring nakararanas ng mahihina hanggang sa may kalakasang aftershocks sa Masbate.
Facebook Comments