Pinsalang iniwan ni ‘Usman’ sa sektor ng agrikultura at imprastraktura, umabot na sa higit P4-B – NDRRMC

Pumalo na sa ₱4.2 billion pesos ang iniwang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Usman.

Sa datos ng NDRRMC, sakop nito ang mga rehiyon ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.

Sa agrikultra, halos ₱950 million ang halagang napinsala habang nasa ₱3.3 billion sa sektor ng imprastraktura.


Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – ang Oriental Mindoro, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur ay isinailalim sa state of calamity dahil sa malawak na pinsalang dulot ng bagyo.

Aabot sa 150,877 na pamilya o 675,777 na indibidwal mula sa 952 barangay sa apat na rehiyon ang naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments