Pinsan ni Vice Mayor Nova Princess na nadamay sa engkwentro ng raiding team at armadong grupo ng mga Parojinog sa Ozamiz City, nasawi na rin

Ozamiz City – Nadagdagan pa ng isa ang nasawi sa ikinasang operasyon ng PNP CIDG region 10 at mga tauhan ng Misamis Occidental Police Provincial Office sa bahay ng mga Parojinog sa Ozamiz City noong madaling araw ng Linggo.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ng pamilya Parojinog.

Kinilala itong si Darryl Parohinog na pinsan ni Vice Mayor Nova Princess Parojinog .


Aniya nasawi ito habang ginagamot sa isang pagamutan sa Ozamiz City matapos na tamaan ng bala ng baril ng mangyari ang sagupaan sa pagitan ng operating team at armadong grupo ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr. noong ikasa ang pagsalakay.

Sinabi pa ni Topacio na nasa 20’s ang edad ni Darryl Parojinog.

Sa ngayon, may ilan pang kamag-anak ang mga Parojinog ang nanatili sa ospital sa Ozamiz City na nadamay sa putukan ng maganap ang raid.

Matatandaang sa pagsalakay noong Linggo ng madaling araw ay 15 agad ang nasawi kabilang na si Ozamz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Facebook Comments