Natagpuang wala ng buhay ang 55 anyos na pintor sa Brgy Making Parang Maguindanao.
Kinilala sa report ng Parang PNP ang pintor na si Osias Caupayan. Sinasabing hapon ng March 20 na huling makitang buhay si Caupayan, ngunit nasa implwensya ng alak.
Umaga na ng March 21 ng madiskubreng patay na si Caupayan . Agad namang ipinagbigay alam ng mga kaanak nito ang kanyang sinapit sa mga elemento ng Parang PNP.
Malaki aniya ang posibilidad na maaring inatake sa puso si Caupayan base na rin sa Medical History nito.
Facebook Comments