PINTOR, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang singkwenta’y-kwatro anyos na pintor matapos ang ikinasang buy bust operation laban dito sa dagupan city.
Ang suspek ay nakilalang si renato sierra, residente ng brgy. amado, tapuac lungsod ng dagupan.
Ikinasa ang buy bust operation pasado alas-onse ng gabi na nagresulta ng pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na at tumitimbang ng halos isang gramo at nagkakahalaga ng aabot sa humigit kumulang pitong libong piso.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang nasabing suspek. |ifmnews
Facebook Comments