MAGSASAKA, PATAY SA PANANAKSAK NG NAKABABATANG KAPATID SA BAYAN NG SAN MANUEL

Patay ang isang kwarenta’y-nuwebe anyos na magsasaka sa pananaksak ng nakababatang kapatid sa bayan ng san manuel.
Ang biktima ay nakilalang si virgilio ancheta habang ang suspek ay si wilfredo, parehong residente ng brgy. sto domingo sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang insidente pasado alas-onse ng gabi nang ang biktima ay pumunta sa tapat ng bahay ng suspek at pinapalabas para kausapin.

Subalit paglabas ng suspek ay armado na ito ng kutsilyo panalo dahilan para tumakbo ang suspek.
Sa kasamaang palad ay nadapa ito at naabutan ng suspek na agad pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad naman itong naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival habang hawak na ngayon ng pnp ang nasabing suspek. |ifmnews
Facebook Comments