Manila, Philippines – Inupakan ng Commission on Human Rights ang desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto.
Sa isang statement, sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline De Guia na dahil sa aksyon ng SC, napahina ang diwa ng demokrasya sa bansa at maaring magbunsod upang hindi na igalang ng mga Pilipino ang rule of law.
Naniniwala din si De Guia na napatalsik lamang si Sereno dahil ang mga justices na tumestigo laban sa Chief Justice ay una na rin nagsalita sa impeachment complaint laban kay Sereno.
Nawala na aniya sa mga mahistradong ito ang fundamental fairness na kinakailangang taglay ng mga miyembro ng kataas -taasang korte ng bansa.
Nabahala din ang CHR dahil nawala sa Kongreso ang tanging kapangyarihan na magtanggal ng impeachable officer.