PINUNA | DPWH, pinakamaraming bilang ng contractuals sa mga ahensya ng gobyerno

Manila, Philippines – Pinuna ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang DPWH dahil ang ahensya ang may pinakamaraming contractual at job order employees sa buong gobyerno.

Sa budget hearing ng DPWH, aabot sa 22,381 ang job order employees ng ahensya sa kasalukuyan.

Mayroon pang 1,980 plantilla positions ng DPWH na hindi pa rin napupunan mula pa noong 2017.


Nabatid din na maraming mga empleyado ng ahensya ang lima hanggang sampung taon nang nasa serbisyo pero hanggang ngayon ay contractual pa rin.

Sinabi ni Zarate na ang pamahalaan ang numero unong lumalabag sa Endo.

Pero, paliwanag naman ni DPWH Sec. Mark Villar, marami sa mga proyekto ay seasonal kaya hindi sila pwedeng basta na lamang mag-regular ng mga trabaho.

Tiniyak din ni Villar na sinisikap na nilang punuan ang mga plantilla positions lalo na ng engineers na siyang kailangan na kailangan ng ahensya.

Facebook Comments