PAALALA | Night time Road Closure, Ipatutupad sa ilang kalsada sa Valenzuela

19

Manila, Philippines – Pagpatak ng alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng madaling araw simula mamayang gabi (Aug 9) ay magpapatupad na ng Night time Road Closure sceme sa kahabaan ng CJ Santos St., Brgy Karuhata sa Valenzuela City.

Ito ay ayon sa Valenzuela Traffic ay upang bigyang daan ang sewerage project na isasagawa ng Maynilad sa lugar.

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang motorista na dumaan na lamang sa Maysan Road, NLEX Service Road o Alert Center bilang alternatibong ruta.

Tatagal ang nasabing road closure hanggang Aug 17.

Facebook Comments