Manila, Philippines – Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang National Food Authority (NFA) dahil sa paggastos nito ng ₱5.1 billion na para sa food security program ng ahensya.
Gagamitin sana ang pondo sa pagtatag ng presyo at supply ng bigas at mais.
Sa halip, ay napunta ang pera sa pagbabayad ng utang.
Kabilang dito ang higit ₱2 billion pesos na ibinayad sa utang sa Landbank of the Philippines at sa Development Bank of the Philippines.
Pero sa interview ng RMN DZXL Manila kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, iginiit nito na hindi tama ang pananaw na “diversion” ng COA sa kanilang pondo.
Giit ni Estoperez, kailangang bayaran nila ang utang nila sa dalawang bangko para mabawasan ang kanilang gastos sa interes at documentary stamp tax.
Tiniyak din ni Estoperez na hindi makompromiso ang food security program ng ahensya.