PINUNA | Pagkilos umano ni Mayor Sarah Duterte para mapalitan ang House Speaker, hindi makabubuti sa liderato ni PRRD

Manila, Philippines – Pinuna ni Senator Panfilo Ping Lacson ang umano ay direktang papel ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa pagbabago sa liderato ng Kamara kung saan pinatalsik si dating House Speaker Pantaleon Alvarez at ipinalit si dating Pangulo at Congresswoman Gloria Arroyo.

Para kay Lacson, hindi ito makakabuti sa ipinagmamalaking matatag na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Lacson, hindi nararapat ang anumang kapangyarihan na labas sa opisyal na hanay sa burukrasya ng gobyerno.


Diin ni Lacson, hindi na dapat maulit ang mga nangyari noong panahon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Lacson, sa nabanggit na mga administrasyon ay naging usap usapan ang umano ay pakikialam at pag-impluwensya ng mga kamag-anak ng mga dating Pangulo.

Ipinaliwanag ni Lacson, na ang nabanggit na pagpapel ng mga kaanak ng Presidente ay hindi nakabuti sa epektibo at maayos na pamamahala sa bansa.

Facebook Comments