Manila, Philippines – Umani ng batikos ang naging anunisyo ni Commissioner Kenneth Duremdes na lilimitahan nila ang mga Fil-foreign players na maglalaro sa bawat team sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Nabatid na nais nila na isang Fil-foreign players kada team ang maglalaro kung saan mayroon din itong height limit na 6-foot-4.
Dahil dito, agad na umalma ang ilan sa mga kasalukuyan at retiradong players ng PBA tulad nina Alex Cabagnot, Erik Menk, Ali Peek, Nic Belasco at Jeffrey Cariaso.
Kanilang sinasabi na dapat ay magkaroon ng pagbabago sa ganitong uri ng liga ng basketball at nararapat din daw na pagbigyan na maglaro ang mga Fil-foreign players dahil hangad lang ng mga ito makilala sila sa Pilipinas.
Facebook Comments