GUINNESS WORLD RECORD | “Longest Inflatable Obstacle Courses” sa buong mundo, iikot na sa iba’t-ibang bansa

27

Inaabangan na ngayon ang tinaguriang “Longest Inflatable Obstacle Courses” sa buong mundo kung saan iikot ito sa iba’t-ibang bansa.

Ang nasabing inflatable course na tinawag na “The Beast” ay may habang 495.92 meters at may 60 features na challenges kasama na dito ang limang wipe-out obstacle.

Sinasabing aabutin ng sampung minuto ang bawat sasabak dito kahit na bata man o matanda.

Nagsimula itong makilala sa Belgium at sunod na pupuntahan nito ay ang United Kingdom sa last week ng May.

Matapos ang UK, aabangan naman daw ito sa Australia, Japan, Chile, Brazil, Netherlands, Slovakia at Sweden.

Facebook Comments