Manila, Philippines – Epektibo sa darating na araw ng Biyernes October 20 ay papalitan na ang pinuno ng Philippine National Police(PNP) Drug Enforcement Group na si Police Chief Supt Graciano Jaylo Mijares.
Sa inilabas na special order ng Directorate for Personnel and Records Managemen( DPRM) na pirmado ni PNP Chief Ronald Dela Rosa nakasaad dito na itatalaga si Mijares bilang bagong Regional Director ng Automous Region and Muslim Mindanao (ARMM).
Itatalaga naman bilang bagong pinuno ng PNP DEG si Police Chief Supt. Joseph Cagayan Adnol na dating PNP Regional Director ng Region 10.
Si Police Chief Supt Reuben Theodore Sindac naman na papalitan ni Police Chief Supt Mijares bilang regional director ng PNP ARMM ay itatalaga sa office of the Chief PNP sa Camp Crame National headquarters.
Sa ngayon trabaho ng PNP DEG ay tumulong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng intelligence gathering para sa mga target na drug suspects at illegal drugs activities matapos alisin na sa PNP ang pangunguna sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation at ilipat sa PDEA.