Pinuno ng PNP Isabela, Umapela sa Publiko na Tumalima sa Pinaiiral na Enhanced Community Quarantine!

Cauayan City, Isabela- Hinihiling ngayon ni Provincial Director Police Colonel Mariano Rodriguez ang kooperasyon ng bawat Isabelino sa mahigpit na pagpapatupad ng kapulisan sa Enhanced Community Quarantine sa Lalawigan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PD Col. Mariano Rodriguez, sinabi niya na huwag sanang kwestyunin ng mamamayan ang kanilang striktong pagsasagawa ng checkpoint dahil sila’y sumusunod lamang sa kautusan ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease (COVID-19).

Giit nito na huwag ipagsawalang bahala ang naturang sakit kaya’t importante aniya na sumunod sa mga precautionary measures kontra COVID-19.


Nagpaalala naman ito sa kanyang kapulisan na intindihin ang saloobin ng publiko subalit kinakailangan pa rin aniya na maipatupad ng maayos ang ibinabang alituntunin ng ating gobyerno.

Facebook Comments