Pinuno ng PRO2, Hinikayat ang Kapulisan na Magpabakuna vs. COVID-19

Cauayan City, Isabela- Hinihimok ni Brigadier General Crizaldo Nieves, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 2 ang lahat ng kapulisan sa Lambak ng Cagayan na magpabakuna kontra COVID-19.

Pinangunahan niya mismo ang pagpapaturok ng bakuna matapos dumating ang mga COVID-19 vaccines na laan para sa mga pulis sa rehiyon.

Sa pahayag ng Regional Director, pinangunahan na nito ang pagpapabakuna upang siya ay sundan ng mga PNP Personnel at ipakita sa mga ito ang kanyang tiwala sa bakuna.


Ipinunto nito ang kahalagahan ng COVID-19 vaccine na tanging panlaban sa virus at proteksyon sa sarili gayundin ang kapakanan at kaligtasan ng pamilya.

Ayon kay Police Major Ragedy Hope Pulan, Medical Officer of the Regional Health Service 2 (RHS2), mayroon ng 450 na mga pulis ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments