Pinuno ng RID-PRO2, Emosyonal na Nagpaalam sa kanyang Serbisyo sa Loob ng Mahigit 20 Taon

*Cauayan City, Isabela*- Emosyonal na nagpaalam sa kanyang panunungkulan bilang pinuno ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office No. 2 matapos ang mahigit sa dalawang dekada sa serbisyo.

Kinilala ang kagitingan ni P/Lt.Col.Josefina Orias dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho at pamumuno sa kanyang mga kasamahan sa nasabing departamento.

Ibinahagi naman ni P/Lt.Col. Orias ang kanyang naging karanasan noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang pagseserbisyo sa bayan at ang kanyang mga magagandang bagay na kanyang natutunan.


*“Ang daan tungo sa tagumpay ay hindi madali. Katulad ng iba ako ay dumaan din sa maraming pagsubok hanggang sa mahubog ako bilang isang mabuting tao. Naging prayoridad ko ang aking trabaho kesa sa aking pamilya dahil ang Mabuting Serbisyo ay isa sa mga positibong pagkatao ko.” Ani P/Lt. Col Orias*

Si P/Lt.Col. Orias ay miyembro ng PNPA Class of 2004 “Tagapagsanggalang” at taos-puso itong nagpaalam sa kanyang serbisyo sa buong miyembro ng PRO2 sa pangunguna ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro habang ipinagkaloob sa kanya ang karangalan bilang isang Public Servant sa loob ng 22 taon.

Facebook Comments