Binata na Sangkot sa Droga, Natimbog

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang isang binata na kasama sa drugs watchlist ng mga otoridad matapos ang ikinasang buy bust operation ng PDEA Region 2 bandang 5:40 kanina sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Fredrich Arago, 21 anyos, isang construction worker at residente ng Brgy. San Antonio sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Roxas, ang suspek ay matagal na umanong minamanmanan dahil sa iligal nitong aktibidad na may kaugnay sa iligal na droga na humantong sa pagkakaaresto nito.


Nakumpiska naman sa suspek ang dalawang (2) pakete na naglalaman ng shabu, tatlong (3) aluminum foil at (P1,000.00) na ginamit na buy-bust money.

Nahaharap naman ang binata sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments