PINURI | Manny Pacquiao, umani ng papuri sa dating nakalaban at boxing legend na si Oscar Dela Hoya

77

Malaysia – Umani ng papuri si Pinoy boxer Manny Pacquiao mula sa dati nitong nakalaban at boxing legend na si Oscar Dela Hoya.

Sa huling press conference para sa title bout ni Pacquiao kontra kay Lucas Matthysse, sinabi ni dela hoya kung gaano ito ka-proud kay Manny.

Ayon kay Dela Hoya, malaki ang naitulong ni Manny sa larangan ng boxing kung saan inalala rin ng retired Mexican champion ang panahon na unang nagkrus ang kanilang landas ni Pacman.

Nabatid na si Dela Hoya na CEO ng Golden Boy Promotions, na siyang may hawak kay Matthysse, na co-promoter ng boxing bout sa linggo, kasama naman ang MP Promotions ni Pacquiao.

Facebook Comments