TIMBOG | Babaeng pusher at parokyano nito, arestado sa buy-bust operation sa Makati City

12

Makati City – Arestado ang isang babaeng pusher at parokyano nito sa isinagawang buy-bust oepration sa Barangay Rizal, Makati City.

Nakilala ang suspek na si Rizalyn Dela Cruz habang ang customer nito na bumiyahe pa mula Quezon City para lang bumatak ay kinilalang si Jester Ralph Oliver.

Sa ulat, nabulaga na lamang si Dela Cruz nang palibutan siya ng mga otoridad makaraang umorder ang isang poseur buyer ng P50,000 na halaga ng shabu kung saan bitbit pa nito ang kaniyang anak.

Nakuha pa sa suspek ang nasa 25 gramo ng shabu na itinago sa labada.

Facebook Comments