Manila, Philippines – Pinuri ng isang taga oposisyon ang ikatlong SONA ni Pangulong Duterte.
Bagama’t bumabanat sa Pangulo ang Magnificent 7 sa Kamara, sinabi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na ito ang “best” SONA ni Duterte sa nakalipas na tatlong taon.
Kung ikukumpara noong mga nakaraang SONA mas may laman at mas naipahayag ng Pangulo ang kanyang mensahe sa bayan.
Ikinatuwa din ng mambabatas ang pag-address ng Presidente sa National Land Use Act at Coco Levy Trust Fund na matagal na umano niyang inilalaban.
Umaasa ang kongresista na ang mga nabanggit ng Pangulo sa kanyang SONA ay isusulong din nito katulad sa matinding pagnanais na maisabatas ang Bangsamoro Organic Law.
Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, umayos lamang ang “reading” ni Pangulong Duterte pero kulang pa rin ito sa lalim at passion para sa katotohanan.
Dagdag pa ni Villarin, kulang pa rin sa political will si Pangulong Duterte at pang-soundbytes lamang ang mga nabanggit ng Pangulo na nais nitong iprayoridad ngayong taon.