Manila, Philippines – Pinapurihan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang ginagawang mga hakbang ng Bureau of Customs sa kasalukuyan upang patuloy na mapataas ang Revenue Collection ng ahensya.
Ayon kay Dominguez, sa unang anim na buwan ng 2018 ay nasa 33% na ang itinaas ng revenue collection ng Bureau of Customs.
Habang noong 2017 rin ay nakapagtala ng 13.6% growth rate sa target revenue ng Customs.
Ayon sa kalihim, malaki ang naiambag dito ng paghina ng piso, pagtaas ng oil prices, paglobo ng volume ng pagi-import, tariff classification of goods at paglaban ng BOC kontra sa mga iligal na aktibidad.
Aniya, pagsapit ng 2019, target ng gobyerno na maabot ang 3.2 trillion pesos bilang total revenue.
Facebook Comments