PINWERSA | Huwag pwersahing buksan ang mga pintuan ng tren – LMRC

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 na huwag pwersahing buksan ang mga pintuan ng tren para maiwasan ang pagkasira nito.

Ito ay matapos ang insidente na hindi sumara ang pintuan ng tren habang bumibiyahe ito sa pagitan ng Vito Cruz at Quirino Station dahil pinuwersa ng isang pasahero na buksan ito.

Inatasan na ng LRMC ang lahat ng guwardya na nakatalaga sa station platforms na mahigpit na ipatupad ang ‘no forcible opening of door’ para hindi na ulit mangyari ang katulad na insidente.


Facebook Comments