Piolo Pascual, naghamon ng suntukan sa isang netizen

“Suntukan tayo!!!”

Ito ang naging hamon ng aktor na si Piolo Pascual sa isang netizen matapos silang tawagin ng kaniyang anak na si Iñigo na “mag-amang bakla.”

Nabatid na nagsimula ang pambabatikos ng netizen sa Instagram post ni Piolo ng litrato nila ni Iñigo kung saan katatapos lang nila sumali sa 10-kilometer marathon event na ginanap sa Jakarta, Indonesia.


Dito na sinabi ng basher ang hindi magandang salita laban sa mag-ama at pagkalipas ng isang oras ay diretsahang pinatulan ito ni Piolo.

Pumalag naman ang netizen saka tinanong si Piolo kung saan at kailan sila magsusuntukan pero hindi na sumagot ang aktor habang tinawanan na lamang ni Iñigo ang isyu.

May ibang sumang-ayon sa hamon ni Piolo na harapin ang basher pero karamihan sa fans ng aktor ay nagsabing huwag na raw nitong patulan pa.

Facebook Comments