PIPIRMAHAN | PRRD, lalagdaan ang batas na magsasalegal ng marijuana kung tutugma sa kanyang mga kagustuhan – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi nagdadalawang isip si Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan upang maging ganap na batas ang Panukalang pagsasalegal sa Medical Marijuana sa bansa.

Sa ngayon ay umaandar sa Kamara ang naturang panukala o ang House Bill number 6517 na naglalayong gawing legal ang paggamit ng Marijuana bilang gamot sa mga may kapansanan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, matagal nang sinabi ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon sa pagsasalegal sa medical marijuana at handa itong lagdaan ang panukala para maging ganap na batas kung sasangayon sa mga kagustuhan ng Pangulo.


Binigyang diin din naman ni Panelo na kailangang magkaroon ng mahigpit na regulasyon upang matiyak na hindi maaabuso ang gamot at gamitin lamang sa mga tunay na nangangailangan nito.

Ang usapin sa Medical Marijuana ay muling nabuhay matapos ang sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Grey sa tanong na may kaugnayan sa legalization ng Medical Marijuana.

Facebook Comments