Gobyerno probinsyal ng Aklan, isinagawa ang kauna-unahang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga Pagbulig Centers sa ilang bayan sa probinsya

Kalibo, Aklan – Isinagawa ng gobyerno probinsyal ng Aklan ang kauna-unahang pamamahagi ng tulong pinansyal sa Pagbulig Centers sa mga bayan ng Aklan na kinabibilangan ng Makato, Ibajay, Nabas, Malay at Buruanga kahapon, July 31. Layunin ng Pagbulig Center na maihatid ang mga tulong pinansyal mula sa gobyerno probinsyal, na kung saan ay makukuha na mismo sa kada bayan sa Aklan. Kabilang na ang Burial Assistance, Medical Assistance, Educational Assistance, Centenarian Assistance, Emergency Shelter Assistance, Provision of Assistive Device at iba pang tulong na maibibigay ng provincial government. Pinasalamatan naman ni Governor Jose Enrique “Joen” Miraflores ang mga naging bahagi ng matagumpay na kauna-unahang releasing ng financial assistance sa nabanggit na mga bayan, at sa mga susunod na bayan na makaka-avail ng nasabing tulong pinansyal mula sa gobyerno probinsyal sa pamamagitan ng Pagbulig Centers.
Facebook Comments