PIRMA NA LANG | Tax amnesty bill, posibleng maipatupad na sa 2019

Manila, Philippines – Posibleng sa April o Mayo 2019 pa maipatupad ang tax amnesty bill na layong mapapabilis ang proseso sa pagbabayad ng buwis ng mga tax payer.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Antonio “Tony” Lambino II, lagda na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para ganap nang maging batas ang panukala.

Sakop aniya ng tax amnesty bill ang mga hindi nabayarang buwis na ipinataw ng gobyerno noong 2017 at iba pang naunang taon.


Sabi ni Lambino, kailangang magbayad ng 2 percent ng kanilang network ang mga tax payer na nais mag-avail ng nasabing panukalang batas.

Facebook Comments