PBA | CJ Perez, nanguna sa 2018 PBA Rookie Draft

Nagtagumpay ang Columbian Dyip na makuha si CJ Perez bilang top overall pick sa 2018 PBA Rookie Draft.

Ayon kay Columbian Dyip head coach Johnedel Cardel, labis ang kasiyahan nila dahil sa malaking tulong si CJ sa kanilang koponan.

Ang second overall pick at two-time UAAP MVP na si Bobby Parks ay nakuha naman ng Blackwater.


Gaya ng inaasahan napunta sa NorthPort bilang third overall si San Beda Star Robert Bolick.

Naging surpresa naman sa lahat ang pagkakuha ni NLEX kay University of the Philippines Paul Desiderio.

Habang ang top five pick na si Fil-Am Trevis Jackson ay napunta sa Meralco at sa Rain or Shine naman ang overall 6 na San Beda Hero Javee Mocon.

Facebook Comments