PIRMADO | EO 69 o pagbibigay ng financial assistance sa mga CAFGU, nilagdaan

Manila, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na tulong pinansyal sa mga miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU.

Sa ilalim ng Executive Order no. 69, bawal kwalipikadong miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) unit ay mabibigyan ng ₱7,000 kada buwan sakop ang buwan ng Nobyembre at Disyembre 2018.

Ang kautusan ay pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kinikilala ang mga tulong ng CAFGU sa AFP lalo na sa pagbibigay ng vital military intelligence, pagsali sa traditional at non-traditional military operations, pagbibigay seguridad sa mga conflict-affected communities, at nagsisilbing first responders tuwing kalamidad.

Ang CAFGU ay binuo noong 1987 sa ilalim ng Executive Order no. 264 na minamandatong tumulong sa militar sa pagtugon sa internal at security threats.

Facebook Comments