Manila, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isara ng anim na buwan ang isla ng Boracay para sa rehabilitasyon nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magsisimula ang temporary closure ng isla simula Abril 26.
Aniya, naging maganda ang pagpapaliwanag ng binuong inter-agency council sa nasabing temporary closure.
Sinabi naman ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, na nakahanda na ang calamity funds para sa mga maaapektuhang manggagawa.
Facebook Comments