Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 17 ang Republic Act number 11058 o an Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations.
Pinatitiyak ng batas ang kaligtasan at maayos na pinagtatrabahuhan ng mga obrero at magbibigay ng proteksyon sa mga ito laban sa mga panganib sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.
Ilan lamang sa probisyon ng batas ay dapat tiyakin ng mga Employer, Contractor at Subcontractor o mga namamahala sa mga trabaho na mabibigyan ang kanilang mga tabahador ng ligtas na pagtatrabahuhan na malayo sa anomang posibleng nakamamatay na bagay, pagmulan ng sakit at magdulot ng physical injury sa mga ito at kung meron mang panganib sa kanilang mga pagtatrabahuhan ay dapat ipaalam sa mga trabahador at sumailalim sa mga kinakailangang training.
May karapatan din naman ang mga manggagwa na tanggihan ang anomang trabaho kung makikita ng Department of Labor and Employment o DOLE na hindi ito ligtas at hindi nakasusunod sa mga nakalatag na panuntunan upang matiyak na hindi ito delkado sa mga manggagawa.
Papatawan naman ng hindi tataas sa 100,000 piso multa kada araw ang contractor o subcontractor hanggang maitama ang anomang vilation o hindi pagusnod sa Occupational Safety and health Standards kung saan sisimulan ang bilang ng araw sa oras na matanggap ng contractor o subcontractor ang notice of violation.